Ilang lugar sa Lalawigan ng Bulacan ang binaha makaraang magpakawala ng tubig ang angat at ipo dams sa Norzagaray.
Kabilang sa mga apektado ang mga Bayan ng Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong at Hagonoy.
Ayon sa PAGASA, nagbukas sila ng tatlong gate sa Angat ng 8.5 meters dahil malapit na nitong maabot ang spilling level habang ang Ipo ay nagbukas ng anim na gates na may 9.2 meters.
Hanggang kahapon ng umaga ay umabot sa 215.03 meters ang Reservoir Water Level (RWL) ng Angat kumpara sa Normal High Water Level (NHWL) na 212 meters.
Naitala naman ang 101.04 meters na RWL sa Ipo malapit sa NHWL na 101.10 meters.
Inihayag ni Ailene Abelardo, Hydrologist ng Hydro-Meteorology Division ng PAGASA, na magpapatuloy ang pagpapakawakala ng tubig dahil sa pag-ulang dulot ng amihan kahit mahina ito.