Nagpalabas ng tubig ngayong araw ang Angat Dam at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Dahil ito sa patuloy na pag-ulan nitong nakalipas na mga araw kung saan umabot na sa spilling level ang reservoir water level ng dalawang dam.
Batay sa datos hanggang kaninang alas-sais ng umaga, tatlong gates na ang binuksan sa Angat Dam na may lapad na walo punto limang metro, habang anim sa Ipo dam na may lapad na 9.2 metro.
Ang reservoir water level naman ng Angat Dam ay nasa 215.03 meters na, higit na sa spilling level o normal high water level na 212 meters.
Malapit naman sa reservoir water level ang sa Ipo Dam na nasa 101.04 meters.