Ilulunsad ni Vice President Leni Robredo sa Hulyo a-1 ang Angat Pinas, Inc. bilang isang Non-Government Organization (NGO).
Inihayag ni Robredo ang ulat sa ginanap na Thanksgiving speech kasama ang tandem na si Senator Kiko Pangilinan sa Ateneo De Manila University sa Katipunan Avenue, Quezon City kagabi.
Ayon kay Robredo, bubuuin ng programa ang pinakamalawak na volunteer network sa kasaysayan ng Pilipinas.
Hindi mamimili ng miyembro ang NGO na layong ipakita ang buong pwersa ng radikal na pagmamahal.
Pinayuhan naman ng Bise-presidente ang kaniyang mga nadismayang tagasuporta na magmove-on na sa partial counts ng election sa pagkapangulo at huwag itong gawing dahilan ng pagkawatak-watak ng bansa.
Tiniyak naman ng mga tagasuporta at volunteers ni Robredo ang pakikilahok sa gagawing NGO.