Nanatiling mababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, aabot lamang sa 195.5 meters ang kasalukuyang lebel ng tubig pero malayo pa aniya ito sa 180-meter critical operating level.
Sa kabila nito, tiniyak ng NWRB na gagawin nila ang lahat ng hakbang para mapanatiling sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila lalo na ngayong buwan at sa Abril.
Aniya, inadjust na nila ang alokasyong tubig sa mga irigasyon sa Central Luzon habang inabisuhan na rin nila ang ilan pang kompanya ng langis na maghanda ng mga balon o deep wells at water treatment plants.
Maliban dito, tinitingan na rin daw ng pamahalaan ang pagsasagawa ng ‘cloud seeding operations’ na nagkakatulong para mapataas ang tiyansa ng pagpapaulan. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles