Mananatili sa above critical system ang water level ng Angat dam sa Norzagaray, Bulacan hanggang Mayo.
Ito’y kahit pa sa gitna ng nararanasang tagtuyot sa bansa.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Sonia Serrano, kaninang umaga ay nasa 199.94 meters ang water level ng Angat dam, malayo pa ito kumpara sa 180 meters na critical level nito.
Mananatili aniya sa above critical level ang naturang dam kung hindi magbabago sa .35 meters ang ibinababa ng level nito sa bawat araw.
Samantala, siyamnapung (90) porsyento ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat dam.