Nagpakawala ng tubig ang Angat dam bunsod ng mataas na lebel ng tubig dulot ng mga pag-ulan.
Batay sa ipinalabas na abiso ng Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center, tinatayang nasa 60 cubic meters per second ang pinakawalang tubig ng Angat Dam dakong alas 2:00 kahapon ng hapon.
Nasa kalahating metro ang binuksan sa dalawang gate ng Angat Dam makaraang sumampa na sa 212 meters ang lebel ng tubig duon.
Pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Manila ang Angat Dam na kayang magsuplay ng 500 milyong galon ng tubig kada araw.
—-