Tumaas na ng bahagya ang lebel ng tubig sa Angat dam dahil sa sunod-sunod na malalakas na pagbuhos ng ulan sa bansa dahil sa Hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, nasa 179.06 meters na ang water level ng Angat dam ngayong araw na mas mataas ng 0.58 meter kumpara kahapon.
Nabatid na ang kabuuan ng Metro Manila ay kumukuha ng tubig sa Angat dam na may minimum operating level na 180 meters, habang ang normal na water level ay 210 meters.
Ayon sa PAGASA, kailangan pa ng apat hanggang limang bagyo para maibalik sa normal level ang Angat.
Tumaas din ang water level sa ilang dam sa bansa tulad ng La Mesa dam, Magat dam at San Roque dam.