Umabot na sa kritikal na antas ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydromet Division, nasa 179.98 meters na ang lebel ng tubig sa Angat, mas mababa pa sa 180 meters na critical level.
Ayon kay Ronalyn Macalalad, Hydrologist sa PAGASA, hindi nakatulong ang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bulacan kagabi para tumaas ang lebel ng dam.
Sa Angat Dam nagmumula ang suplay ng tubig para sa Metro Manila.
May alokasyon rin ito ng tubig para sa irigasyon subalit pansamantala na itong itinigil dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat.
By Len Aguirre