Posibleng maabot na ng Angat Dam ang 160-meter critical level mamayang gabi.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David, oras na mangyari ito, muli nilang babawasan ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila bukas, Hunyo 21.
Aniya, mula sa kasalukuyang 40 cubic meters per second na alokasyon ng tubig sa Metro Manila, babawasan pa nila ito at gagawin na lamang 36 cubic meters per second.
Paliwanag ni David, posible namang magresulta ito sa mas mahabang oras ng pagbabawas sa water pressure at rotational water service interruptions.
Patuloy ding hinihimok ni David ang mga residente ng Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.