Sapat pa ang tubig sa Angat Dam bagamat kapos ng 4 na metro ang minimum operating level nito.
Batay sa huling datos, 176 out of 180 meters ang laman nito.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni Executive Director Sevillo David ng National Water Resources Board (NWRB) na patuloy nilang binabantayan at pinag-aaralan ang lebel ng tubig sa naturang Dam.
Normal pa na alokasyon po ang kaya pang idulot ng dagdag sa ngayon,kaya lang po iyan ang tinitingnan natin, ano po ang pwedeng idulot ng panahon sa mga susunod na buwan at iyan po ang minomonitor natin at nagsasagawa din po tayo ng mga pag-aaral para po sakali pong kakailanganin nating magadjust sa alokasyon at magdudulot ng epekto sa mga kababayan po natin kapag ang pinaguusapan ay ang suplay ng tubig magbibigay po tayo ng karampatang abiso naman.”
Samantala, sinabi rin ni David na suspendido pansamantala ang pagsasagawa ng cloud seeding dahil sa sama ng panahon.
Sa kasalukuyan po ay suspended po ang cloud seeding kasi ito nga umiire po tayo ngayon sa abiso ng PAGASA kung kailan po ang nararapat na panahon pero ayon po sa pakikipagpanayam natin, tayo po ay hindi pa napapanahon na magcloud seeding operation, usually po pag kascammer ngayon ang cloud seeding operations ito po kasi ngayon ang panahon na medyo maulan na kailangan po na ang pakikipagpanayam natin ay mukhang hindi naman po kakailanganin pa”
Ang tinig ni NWRB Executive Director Sevillo David sa panayam ng DWIZ. - sa panunulat ni Hannah Oledan