Masaya ang lagay ng puso ngayon ng aktres na si Angel Locsin.
Inamin ni Angel na kasalukuyan siyang exclusively dating sa isang non-showbiz guy.
Ayon sa aktres, kasisimula pa lamang nila ng hindi pinangalanang lalaki.
Hindi rin aniya niya ugali ang magsabay-sabay ng mga dine-date.
Kasabay nito, nilinaw ni Angel na hindi sila nagde-date ng anak ni dating Senador Robert Barbers na si Nino Barbers.
Iginiit ni Angel na magkaibigan lamang sila ni Nino kaya’t nabigla siyang na-i-isyu siya rito.
By Ralph Obina