Magkakaroon ng pinoy adaptation ang sikat na french series na “Call My Agent.”
Bibida sa remake nito sina Angel Locsin at Edu Manzano.
Batay sa ulat ng variety, magkakaroon ng walong episodes ang naturang series at nakatakdang simulan ang taping nito sa darating na Abril o Mayo.
Sa ngayon ay mapapanood ang original version ng “Call My Agent” sa Netflix Philippines.