Handa pa ring gumanap bilang Darna si Angel Locsin.
Ani Locsin hindi niya isinasara ang posibilidad na muling gampanan ang Pinay superheroine role para maipakilala ito sa bagong henerasyon.
“Kung ibibigay sa akin, eh para sa akin.” Pahayag ni Angel sa isang interview.
Ito ay kahit may ilang pangalan nang lumitaw para muling magsuot ang iconic costume ng Darna.
Ilan sa mga ito ay sina Jessy Mendiola, Nadine Lustre, Liza Soberano, Arci Muñoz at Anne Curtis.
Ayon kay Angel, ‘smooth’ ang kanyang recovery sa kanyang sakit sa spine matapos ang kanyang operasyon.
Nakatakda siyang bumalik sa Singapore sa Setyembre para sa assessment kung maaari pa niyang magawa ang mga dating ginagawa kagaya ng pagtakbo, pag-akyat sa bundok at pagbibisekleta.
“Sobrang bored ako ngayon because I miss my old routine,” Pag-amin ni Locsin.
“Siguro dahil nasanay ako sa intense ay nami-miss ko lang gawin. Pero iyon ang goal ko talaga eh, pag nagawa ko na siya ulit, ibig sabihin I’m okay na.”
Nilinaw din ni Angel na tanggap niya sakaling hindi na siya ang gumanap na Darna.
“Kung hindi ako, eh baka hindi talaga para sa akin,” Pahayag ni Locsin.
Photo Credit: angel locsin/Instagram