Hindi bahagi ng anumang rebeldeng grupo ang aktres na si Angel Locsin.
Tiniyak ito ni Senador Panfilo Lacson sa isinagawang pagdinig nang pinamumunuang Senate Committee on National Defense and Security hinggil sa usapin ng red-tagging.
Kasunod na rin ito nang pagsisiwalat ni Lacson kay National Task Force to end Local Communist Armed Conflict Spokesperson Lt. General Antonio Parlade na tatayo siyang ninong sa kasal ni Locsin kay Neil Arce na kaibigan ng anak ng senador.
Magugunitang nagkaruon ng girian sina Parlade at Locsin matapos umanong i- red tag ng heneral ang aktres nang sabihin nitong may kaugnayan ang kapatid ng aktres sa New People’s Army.
Nilinaw naman ni Parlade sa pag-uusisa ni Lacson sa umano’y pag red tag kay Locsin na hindi naman miyembro ng NPA ang aktres na ikinatuwa naman ng senador at tiyak na makakaalis ng pangamba nito.
Subalit iginiit ni Parlade na NPA member ang kapatid ng aktres na si Ella Colmenares.
Ipinabatid ni lacson na hiningi ni Arce ang tulong niya para patunayang hindi miyembro ng NPA ang kasintahang aktres na kayang patunayang hindi siya kabilang sa rebeldeng grupo.
Sinabi pa ni Parlade na si dating Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares na tiyuhin ni Locsin ay hindi NPA subalit miyembro ng communist party.