Inihayag ng aktres na si Angel Locsin sa pamamagitan ng isang tula sa kanyang instagram account ang kanyang saloobin sa isang taong anibersaryo ng pagpapasara sa kapamilya network nitong Mayo singko.
Ayon sa aktres, nananatili pa rin ang sakit na naradaman nito nang ipahinto ang pag-ere ng ABS-CBN.
Subalit sa kabila nito ani Locsin, kailangang bumangon ng istasyon para maipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyo sa taong-bayan.