Hinirang si Angel Locsin bilang ambassador ng anti–piracy campaign ng Optical Media Board.
Naniniwala ang OMB na ang katangian at ang mga adbokasiya ni Angel ay swak na swak para ipromote ang kanilang kampanya.
Kaugnay nito, tampok si Angel sa isang infomercial na nagbabala laban sa pamimirata.
Kilala si Angel sa kanyang walang kapalit na pagtulong sa mga biktima ng sakuna at trahedya kaya naman kinilala ang aktres ng Forbes Asia magazine bilang isa sa mga heroes of philanthropy.