Binasag na ng aktres na si Angel Locsin ang katahimikan nito hinggil sa kumakalat na blind item patungkol sa relasyon nila ng kaniyang asawa na si Neil Arce.
Ayon sa blind item, isang female celebrity na kasal sa isang entrepreneur ang nagpahinga mula sa social media dahil may nabuntis umano na inactive actress ang asawa nito.
Mababatid na si Angel ay kasal kay Neil na isang film producer at inactive ang aktres sa social media.
Kaya naman naniniwala ang karamihan na tugma ang mga paglalarawan sa aktres.
Ngunit itinanggi ni Angel ang mga espekulasyon patungkol sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpo-post ng “resibo” na going strong pa rin ang kanilang relasyon.
Ibinahagi naman ng aktres sa kanyang Facebook page na may 24 million followers ang larawan nila ni Neil mula sa kanilang civil wedding na may caption na ” Together Forever. [Team Angel Ph].” - sa panulat ni Hannah Oledan