Kinilig ang Kapamilya actress na si Angel Locsin matapos malamang hayagan ang pagsasabi ng boyfriend niyang si Luis Manzano na malapit na siyang mag-propose ng kasal.
Gayunman, sinabi ni Angel na ayaw niyang magmukhang assuming pagdating sa usapang paglagay sa tahimik.
Aminado ang Kapamilya actress na madalas siyang biruin ng ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto tungkol sa pagbuo ng sariling pamilya.
Pero, kung emosyonal at pinansiyal na aspeto ang pag-uusapan, agad na sinabi ni Angel na handa na siyang magpakasal anumang oras.
By Meann Tanbio