Kalmadong sinagot ng aktres na si Angel Locsin ang isang netizen na direktang ikinumpara siya sa aktres na si Jessy Mendiola.
Nag-comment ang Instagram user na si @baby__athena sa isa sa mga post ni Locsin at sinabing: “Feeling sexy mas sexy pa si jessy sayo best actress pa si jessy number one sikat worldwide eh ikaw haha”.
Bagaman marami sa mga followers ni Angel ang nagalit sa Instagram user ay nireplayan lang ito ng aktres ng thumbs up emoticon at “Ayos”.
Nali-link ngayon ang aktres na si Jessy Mendiola sa ex boyfriend ni Angel na si Luis Manzano.
Una nang nilinaw ni Manzano na walang kinalaman si Jessy sa hiwalayan nila ni Angel ngunit hindi naman ito kinumpirma ng huli.
“Kung anong sinabi niya. Lagi namang ganoon eh. Kung anong sinabi niya eh ‘di iyon na iyon. Kayo? Ano sa tingin niyo?” Pahayag ni Locsin.
Sa panig naman ni Mendiola, iginiit nito na hindi siya ang third party sa hiwalayang Luis-Angel.
“You know, honestly, if it were true, I wouldn’t be here right now facing you guys. For me, it was clear that they broke up already when Luis started courting me. Babae ako, it happened to me before. I wouldn’t do that to any other girl,” Pahayag nito.
Photo: Screengrab from angel locsin/ Instagram