Muling manunungkulan si Angela Merkel bilang Chancellor ng Germany.
Ito ay matapos na makuha ni Merkel ang 32.5 percent na kabuuang boto na ang grupo nito sa ginanap na general elections sa parliamentary.
Ito na ang ika-apat na termino ni Merkel simula nang maupo sa puwesto noong 2005.
Naging kagulat-gulat naman ang pagpasok ng grupong Far – Right Alternative for Germany ang 13.5 percent na nagbigay ng daan upang makapasok sila sa parliamentaryo sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang grupong AFD ay tumutol sa naging polisiya ni Merkel na buksan ang borders ng Germany sa milyon-milyong migrante lalo na sa Middle East.
—-