Itinanghal bilang first runner up ng America’s Got Talent ang 9-year old Filipino-American na si Angelica Hale.
Bumuhos sa social media ang pagbati sa pagkapanalo ng batang si Hale na hinangaan nang husto dahil sa mala-anghel nitong boses.
Matatandaang inawit sa performance night ni Hale ang symphony ng British Electronic Music Group na Clean Bandit na nabigyan ng standing ovation ng mga hurado.
Samantala, itinanghal namang big winner ng America’s Got Talent ang 12-anyos na ventriloquist na si Darci Lynne.
—-