Natatawa na lamang sinagot ni Angelica Panganiban ang mga umuugong na tsismis hinggil sa umano’y posibleng pagbabalikan nila ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.
Agad kasing napa-oo si Angelica nang tanungin siya kung handa na ba siyang umibig muli matapos ang napaulat na hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz.
Ayon kay Angelica, sa dinami-dami ng mga hugot lines na kanyang pinakalawan at kinagat naman ng tao, handang handa na raw siyang umibig muli sabay pag-amin na umaarte lamang siya at masarap aniya sa pakiramdam na gawin iyon.
Pero binigyang diin ni Angelica na kaya natutuon sa kanila ni Carlo ang atensyon ng mga fans ay dahil sa kapwa sila single kaya’t umaasa ang karamihan sa mga ito na magkakabalikan pa sila.