Nais munang ihanda ni Kapamilya actress Angelica Panganiban ang kanyang buong sarili bago muling magmahal.
Sinabi ni Angelica na ipinagdarasal niya ang susunod niyang makaka-relasyon ay siyang makakasama na niya habambuhay.
Ayon kay Angelica, hindi naman niya isinasara ang kanyang puso para magmahal muli bagamat ipinapangako niyang ang higit na pagmamahal pa tulad ng mga nakalipas niyang relasyon.
Huling nakarelasyon ng aktres si John Lloyd Cruz na ngayo’y sinasabing ka-relasyon ng sexy actress na si Ellen Adarna.
Matatandaang inamin ni Angelica na niyaya siyang lumabas ng ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino.
Nang tanungin naman ang aktres kung papayag ito sa imbitasyon ni Carlo, hindi ito nagdalawang isip na sumagot ng ‘OO’.
Paliwanag ni Angelica, wala namang masama kung makikipag–date siya kay Carlo dahil pareho naman silang single.