In-unfollow ni Angelica Panganiban sa Instagram ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino.
Ito ay kasunod ng komento ng isang netizen na palagi umanong nagpo-post si Angelica ng sweet nilang larawan ng aktor gayong hindi naman nagpo-post si Carlo.
Ayon sa naturang netizen, palagi aniyang ganito si Angelica kung saan ay nadedehado nang husto ang aktor.
Sinabi nito na mismong mga fans ni Angelica ang namba-bash at nanghuhusga sa aktor nang wala namang ebidensya.
Naki-usap ang netizen kay Angelica na huwag nang idaan pa sa social media ang mga aktibidad nito lalot kung ano aniya ang ikinadaldal ng aktres ay siya namang katahimik ni Carlo ng tungkol sa kanila.
Kaugnay nito ay humingi ng paumanhin si Angelica sa pagbabahagi ng sweet photos nila ni Carlo at nangako itong lalayuan ang aktor para sa ikatatahimik ng naturang netizen.
Simula aniya ngayon ay wala nang maririnig o makikita sa kanyang mga post na tungkol kay Carlo sabay sa pag-unfollow nito sa aktor.
Sa huli, inamin ng aktres na pagod na siya sa mga ka-‘negahan’ at pakiki-alam ng mga netizen kaya’t sanay masaya na ang mga ito.