Desido na si Angelica Panganiban na mag-retiro sa pag-ganap sa mga teleserye.
Ayon kay Panganiban, mas madaling umano kargahin ang mini-series kaysa sa isang mahabang teleserye dahil na rin sa emotional baggage na dala nito.
Ibinahagi din ni panganiban na nagbigay-daan ito na magkaroon ng balanse sa pagitan ng kaniyang trabaho at personal na buhay.
Kabilang sa mga desisyon sa buhay ni Panganiban sa panahon ng pandemya ay ang paninirahan sa Olongapo City, kasama ang kanyang kasalukuyang kasintahan na isang negosyanteng si Gregg Hooman. —sa panulat ni Kim Gomez