Aminado ang Kapamilya aktres na si Angelica Panganiban na hindi naging madali ang kanyang napagdaanan para makapag “move on” mula sa break up.
Sa isang episode ng Paano Ba to Vlog ng Tv Host na si Bianca Gonzales, ibinahagi ni Angelica ang mga tips at paraan na kanyang ginawa para ganap na makapag-move on mula sa hiwalayan.
Ayon kay Angelica, nagkaroon ng pagkakataon noon na naging matigas ang kanyang ulo at walang pinakinggan mula sa mga kaibigan at pamilya.
At, inisip niya umano na baka may pag-asa pa silang magkabalikan muli ng dating karelasyon.
Saad ni Angelica, unang nakatulong sa kanya ay ang acceptance o pagtanggap na wala na talaga silang pag-asa.
Aniya, ito ang magiging daan para magpatawad, matigil ang pagsisi sa sarili at pagpapatawad sa dating karelasyon.
Dagdag ni Angelica, sa ngayon ay nasa punto na siya na tinatawanan na lamang ang mga pangyayari at natutunang enjoyin ang pagiging single.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Angelica kung sino ang kanyang tinukoy na dating karelasyon, ngunit hindi naman makakaila na ang huli nitong naging boyfriend ay si John Lloyd Cruz.
Naghiwalay sina Angelica at John Lloyd noong 2015 matapos ang apat na taong pagsasama.