Kabi-kabila ang pagtanggap ng parangal at pagkilala ni angelica yulo sa kaniyang pagiging ulirang ina.
Ano-ano nga ba ang mga awards na ito?
Tara, alamin natin.
Sa hindi matapos-tapos na isyu at pambabatikos sa pagitan nina Angelica Yulo at ang kaniyang anak na si Two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo, mas piniling manahimik ni Angelica at ipagpatuloy ang buhay at ituon na lang sa ibang bagay,tulad ng pag-o-online selling ng iba’t-ibang produkto at pag-aasikaso sa iba pa niyang mga anak.
Sa mga ganitong bagay … Tila inuulan ng blessing si angelica…
Sa katunayan kinilala siya bilang “Most Exceptional Woman of the Year” sa Asia’s Man & Woman of the year excellence awards, sa pagiging ulirang ina, asawa, at sa ipinakikita niyang tapang at pagsasakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Bago ito, pinarangalan din si angelica sa naganap na Inspiring Motherhood Legacy Award ng 7th Southeast Asian Achievement Award, Milo at San Miguel Corporation dahil sa pagpapalaki sa kanyang sa mga anak na Achiever sa larangan ng Sports.
Maliban sa mga parangal na ito ilang establishment at kilalang personalidad ang nagbigay ng iba’t-ibang gamit at free stuff gaya ng appliances, bigas, damit at marami pang iba.
Sa iyong palagay, karapatdapat nga bang parangalan si angelica yulo sa kaniyang pagiging ina?