Inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na sumailalim ito sa operasyon ng pagpapabawas ng kanyang dibdib.
Ayon kay Angeline, ito ay dahil madalas siyang makaranas ng wardrobe malfunctions kapag siya ay nagpe-perform.
Dumadating kasi aniya sa punto na halos mahuburan na siya at makita na ang kanyang dibdib na ayaw na sana niya muli mangyari.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na umamin siya ng pagsasailalim ng surgery dahil noong nakaraan ay inamin niya na sumailalim siya sa liposuctions at double-eyelid surgery.
Balak din nitong magparetoke ng ilong subalit pinayuhan siya ng kaniyang doktor na maaapektuhan ang kanyang boses kaya ipinagpaliban na lamang niya ito.
—-