Nagsalita na ang singer na si Angeline Quinto hinggil sa ginagawang pambabatikos ng mga netizen sa Ama ng kaniyang anak at kasalukuyang Boyfriend na si Nonrev Daquina.
Sa naging video vlog ni Angeline, kaniyang sinagot ang mga akusasyon ng mga ‘’Marites’’ ukol sa relasyon nila ng kaniyang non-showbiz Boyfriend.
Pabirong sinabi ng singer na siya mismo ang totoong namemera sa kanilang relasyon at hindi si Nonrev.
Dagdag pa ng aktres na madalas siyang nanghihiram ng pera sa kaniyang Boyfriend noong nagdadalang tao siya at marami umano siyang pinaglilihian pero hindi na ito pinapabayad sakaniya ni Nonrev.
Nilinaw ng aktres na walang moments na namemera ang kaniyang Boyfriend dahil nagbibigayan-bigayan sila sa isat-isa para narin sa kanilang anak na si Baby Sylvio.