Bigo nang makausad pa sa Australian Open ang top seed at kasalukuyang champion na si Angelique Kerber sa ika-apat na round sa kamay ni Coco Vandeweghe ng Amerika.
Nakuha ng US Tennis Star ang panalo sa score na 6-2, 6-3 sa laban nila ni Kerber sa Rod Laver Arena .
Ito ang pinakamaagang exit ng German superstar at world’s number one kung saan nakuha niya ang kampeonato sa US Open noong isang taon.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters