Nabawi na ni Angelique Kerber ang top spot sa Tennis World Rankings mula kay Serena Williams.
Enero nang masilat ni Williams ang pagrereyna sa World Tennis kay Kerber nang masungkit nito ang Australian Open at maibulsa ang kanyang ika-23 grand slam title.
Gayunman, magmula noon ay hindi na naglaro pa si Williams dahil sa iniinda nitong knee injury dahilan upang tuluyan siyang maungusan ni Kerber.
Matatandaang anim na buwan na ang nakakaraan nang huling hawakan ni Kerber ang top rankin g sa women’s tennis.
By Ralph Obina
*AFP Photo