Inaalis na ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang anggulong hazing sa pagkamatay ng isang kadete habang sumasailalim sa new cadet summer training progream sa Camp General Mariano Castanieda sa Silang, Cavite.
Ayon kay PNPA Spokesperson Lt. Col. Byron Allatog, kinumpirma ng mga doktor na heatstroke ang dahilan ng ikinasawi ng kadeteng si Cadet 4th Class Al Rasheed Pendatun Macadato.
Martes ng hapon, nawalan ng malay si Macadato habang tumatakbo kasama ang iba pang mga kadete.
Agad itong naisugod sa ospital pero binawian din ng buhay habang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng QualiMed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna.
Samantala, sinabi ni Allatog, nasa maayos nang lagay ang lima pang kaklase ni Macadato na nag-collapse din habang sumasailalim sa training.
“Ruled out po yung issue ng hazing as upon confirmed by doctors also, medically. Wala po na hazing na nagnyari. And of course, siguro sa pressure ng activities, physical activities kasi itong training nila and isang factor na nag-contribute dito yung increase ng temperature natin.” Pahayag ni Lt. Col. Allatog