Tumibay ang anggulong illegal drugs ang posibleng sanhi ng kamatayan ng limang katao sa close up forever summer concert sa Mall of Asia sa Pasay city, noong Linggo.
Ito’y makaraang aminin ng kaibigan ng isa sa mga biktima na gumamit sila ng party drug na ecstasy sa kabila ng mahigpit umanong seguridad sa venue.
Ayon kay Pasay city police chief, Senior Supt. Joel Doria, bago magtungo sa event ang grupo ay may bitbit at nakagamit na ang mga ito ng droga.
Base sa initial autopsy reports, dalawa sa mga biktima ay nasawi bunsod ng massive heart attack, indikasyon ng drug overdose.
Samantala, inaalam na rin ng mga forensic investigator kung heat stroke at poisoning ang ilan pa sa mga posibleng sanhi ng kamatayan ng lima.
By: Drew Nacino