Tiniyak ni Cavite Philippine National Police (PNP) Spokesman Supt. Albert Tapulao, na kanilang tinututukan ang kaso ng pagpatay kay Jonathan Oldan, ang assistant cameraman at driver ng CNN Philippines.
Ayon kay Tapulao, hindi nila inaalis ang anggulong matinding galit, sa listahan ng posibleng motibo sa pagpatay kay Oldan.
Sinabi ni Tapulao na nagpapatuloy din sa pangangalap ng impormasyon hinggil sa kaso, ang Special Investigation Task Group Oldan.
“Ang intensyon po talaga ay ang pagpatay kay Oldan at nakikita po natin na meron po itong halong parang galit po sa kanya, lahat po ng motibo ay binibigyan po natin ng pansin.” Ani Tapulao.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit