Kinukompleto na lamang ng Senate Committee on Defense and National Security ang mga impormasyon kaugnay ng kontrobersiya sa pagbili ng Pilipinas ng mga barkong pandigma.
Ayon kay Senador Gringo Honasan, chairman ng komite, nagtataka siya kung paano napasok sa isyu si Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go kung ang talagang pinag-uusapan dito ay ang sinasabing maanomalyang pagbili sa mga barkong pandigma.
Palaisipan din kay Honasan kung paano rin napunta sa online news site na Rappler ang mga dokumento na nag-uugnay kay Go gayung karamihan aniya sa mga transaksyon sa loob ng AFP o Armed Forces of the Philippines ay top-secret o confidential.
Paano ito naging news? Maiintindihan ko kung pinakialaman ‘yung computer. Paano itong umabot sa isang news outlet? Kung hindi natin kayang pangalagaan ‘yung mga confidential files ng gobyerno natin eh paano natin pangangalagaan ‘yung teritoryo natin sa West Philippine Sea o sa Benham Rise? Pahayag ni Honasan