Iniimbestigahan na ng PNP o Philippine National Police ang anggulong may nananabotahe sa imbestigasyon sa kaso ni Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.
Ito’y matapos lumabas sa DNA test ng PNP na hindi kay Reynaldo ang bangkay ng isang batang natagpuan sa sapa ng Nueva Ecija taliwas sa unang paniniwala ng mga magulang ng bata.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations, Deputy Director General Fernando Mendez Jr., isa sa sisilipin nila ay kung sino ang nagsabi sa mga magulang na si “Kulot” ang nakitang bangkay sa Nueva Ecija.
Posible aniyang nagkamali lang ang mag-asawang De Guzman dahil nag-iba na ang itsura ng bangkay nung ito’y ma-recover.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na may nananabotahe sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon matapos mapaulat ang pagkamatay ng mga kabataan sa kamay umano ng mga pulis.
—-