Ibinasura na ng mga imbestigador sa Egypt ang teyorya na pinasabog ang Egyptair kaya ito bumagsak sa Mediterranean sea.
Una rito sinabi ng isang Egyptian forensic official, 23 bags na ng mga bahagi ng katawan ang nakolekta mula noong Linggo.
Sinabi ni Hisham Abdelhamid, head ng Egypt forensics authority na ang assessment na pinasabog ang eroplano ay mere assumptions. Masyado pa rin aniyang maaga para gumawa ng konklusyon.
Wala rin umanong bakas ng mga sangkap ng pampasabog na natagpuan sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano lulan ang 66 na pasahero.
Dalawang sources pa na may direktang kaalaman sa imbestigasyon ang nagsabing napakaaga pa para ianunsiyo kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng Egyptair flight 804.
By: Mariboy Ysibido