Nanindigan ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo o INC na dapat nang lisanin ng magkapatid na Anghel at Lottie Manalo ang kanilang tahanan sa loob ng INC Compound sa Quezon City
Ito’y ayon kay Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC ay matapos nilang matanggap ang kautusan mula sa Quezon City RTC Branch 12
Sa 6 na pahinang desisyon ng Korte, inaatasan nito ang magkapatid na Manalo na agad lisanin ang kanilang tahanan sa nasabing lugar
Magugunitang itiniwalag ng Iglesia ang magkapatid na Manalo kasunod ng naging pagbubunyag nito sa mga anila’y katiwalian umano sa loob ng Iglesia
by: Jaymark Dagala