Magbabalik operasyon na ang motorcycle ride hailing service na Angkas ngayong linggo.
Ito ay matapos na paboran ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang kanilang inihaing petisyon kontra sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Angkas Operations Director David Medrana, kanila nang muling isinailalim sa training ang kanilang mga member bikers para sa pagpapalik operasyon at matiyak ang mas magandang serbisyo.
Samantala, tiniyak naman ng MMDA o Metropolitan Development Authority ang pagsunod sa naging kautusan ng Mandaluyong RTC.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kanila nang ititigil ang panghuhuli sa mga Angkas bikers basta’t hindi ito lalabag sa mga umiiral na batas trapiko.
—-