Posibleng ma – black list ang motorcycle hailing application dahil sa ilang paglabag nito.
Ayon sa Technical Working Group Chairman Antonio Gardiola Jr., nilabag ng Angkas ang alituntunin sa pamamagitan ng pag o-operate sa labas ng designated pilot areas.
Napatunayan ng LTFRB na nag-ooperate ang Angkas sa Cagayan De Oro City at General Santos City.
Matatandaang pinayagan lamang ng LTFRB ang pagkakaroon ng motorcycle taxi pilot run sa Metro Manila at Metro Cebu.
Sinimulan na aniyang hulihin ng mga LTFRB regional offices ang mga Angkas riders sa labas ng pilot areas.