Arestado sa operasyon ng National Bureau of Investigation ang anim katao na sinasabing gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos upang magbenta ng posisyon sa BARMM.
Nag-ugat ang operasyon matapos magsumbong ni dating Maguindanao governor Esmael Mangudadatu sa mga kinauukulan na siya ay inalok ng isa sa mga suspek ng posisyon para sa barmm parliamentary government sa halagang walong milyong piso.
Kaugnay nito, nilinaw ni NBI Director Jaime Santiago na walang kaugnayan sa Malacañang ang mga naturang suspek na gumamit ng pangalan ng Unang Ginang. – Sa panulat ni John Riz Calata