Anim na drones o Unmanned Aerial Vehicle na nagkakahalaga ng 13.7 Million Dollars o halos 700 Million Pesos ang binili ng Philippine Airforce mula sa Estados Unidos.
Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tumanggap ng mga drone mula kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa turn-over ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Ito ang kauna-unahang U.A.V. na natanggap ng militar bilang bahagi ng commitment ng Amerika na tulungan ang pilipinas sa pag-a-upgrade ng kagamitan ng armed forces.
Gagamitin anya ang mga drone sa internal security operations, counter terrorism, limitadong maritime patrol, humanitarian assistance at disaster response operations sa panahon ng kalamidad.
-Jonathan Andal