Anim na kandidato ang nakinabang sa umano’y dayaan nuong May 2016 automated elections.
Ito ang naging pahayag ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto makaraang ibunyag niya sa kaniyang privilege speech ang nasabing iregularidad sa nakaraang halalan.
Ayon kay Sotto, batay sa kaniyang nakuhang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang impormante Presidente, Bise Presidente at apat na Senador umano ang kabilang sa mga kandidatong sinabing nakinabang sa resulta ng dayaan.
Kwento pa umano ng kaniyang impormante, mayruong naka access sa election server mula sa ibang bansa.
Paliwanag ng Senador, hindi niya agad ito natukoy sa kaniyang privilege speech dahil wala pa aniya siyang ebidensya.
Hindi naman pinangalanan muna ni Sotto ang nabanggit na mga kandidato.
Ngunit sa oras na mapatunayan umano ang lahat ng nasabing alegasyon ay maaaring mauwi sa kaso ng electoral sabotage.