Aabot sa 6000 mga pulis ang nakatakdang ideploy ng QCPD o Quezon City Police District sa araw ng ikalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay QCPD Chief Chief/Supt Guillermo Eleazar, ang mga nasabing pulis ang magbibigay seguridad sa paligid ng Batasan Complex para gaganaping SONA ng Pangulo.
Magmumula ang mga nasabing pulis sa iba’t ibang police districts sa Metro Manila.
Samantala, inaasahan ng PNP na aabot sa 15,000 mga rallyista ang magsasagwa ng kilos protesta sa nasabing araw.
By: Krista de Dios
Anim na libong Pulis ipapakalat sa araw ng SONA ng Pangulo was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882