Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang anim na milyong pisong halaga ng maanomalyang claims sa PhilHealth benefits.
Ayon kay Tuguegarao vice mayor Jude Bayona, nagsimula ang mga iregularidad sa Tuguegarao city People’s General Hospital noong 2013 at nagpatuloy hanggang sa mga unang buwan ng taon.
Batay sa imbestigasyon, nagcha-charge ang sangkot na doktor ng mula dalawampu’t isa hanggang apatnapu’t dalawang libong pisong consultation fee sa kada gawa-gawang pasyente.
Samantala, sinabi ni PhilHealth regional director Oscar Abadu Jr, tinitiyak pa nila ang kung umabot nga ba sa anim na milyong piso ang nalustay na PhilHealth benefits nang dahil sa nasabing anomalya.
By Avee Devierte