Anim (6) na pulis ang patay habang siyam (9) na iba pang sugatan matapos ang hinihinalang ‘misencounter’ sa militar sa bayan ng Villareal, Samar, kahapon.
Nagsasagawa ng minor combat operations ang 805th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office- 8 nang paputukan ng 87th Infantry Battalion sa Barangay Sta. Rosa.
Ayon kay PRO-8 Director, Chief Supt. Mariel Magaway, nagkataong nasa isang lugar ang PNP at AFP nang maganap ang engkuwentro.
Bumuo na ang PNP ng isang special investigation task group upang alamin kung sino ang unang nagpaputok at paano nauwi sa ‘misencounter’ ang naturang insidente.
—-