Patay na nang matagpuan ang anim na taong gulang na batang lalake sa lunsod ng Davao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpaalam lamang daw na maliligo sa ulan ang biktimang si Kenji Guido.
Ngunit ilang oras na umano ang nakalilipas, hindi parin umuuwi ang bata.
Nadiskubre na lamang ang wala nang buhay na katawan ng kaawa-awang biktima sa tabing-ilog at tadtad ng saksak sa katawan.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek sa nangyaring krimen.