Ipinagharap na ng NBI ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang anim na indibidwal na iniuugnay umano sa matataas na lider ng New People’s Army o NPA sa lalawigan ng Rizal.
Kanina iniharap ng NBI sa media ang mga suspek kabilang na ang negosyanteng Chinese na si alyas Lily Ong, Brandy Solinap, Victor dela Cruz, Bi-Lian ke, Diosdado Bohol at Ke Quiao Li alyas Sam Jany. Naaresto ang anim nang magsagawa ng operation ang NBI-Special Action Unit sa farm ni Lily Ong sa Brgy. Dalig, Teresa Rizal noong Martes.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang matataas na kalibre ng mga baril, bala at granada. walang naipakitang dokumento ang mga suspek na magpapatunay o magpapaliwanag kung bakit nasa kanilang pag-iingat ang naturang mga armas, bala at pampasabog.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa comprehensive firearms and ammunitions act at paglabag sa RA 9156 dahil sa mga pampasabog.
Nilinaw ng NBI na sa ngayon, wala pang direktang kaugnayan ang mga suspek sa lumulutang na “Red October Plot” laban sa Duterte administation pero aminadong bahagi ito ng kanilang isinasagawang mas malalimang imbestigasyon.
LOOK:
NBI arrests six individuals for illegal possession of firearms and explosives | via Aya Yupangco (Patrol 5) pic.twitter.com/fbX9YCGVCe— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 27, 2018