Anim na hinihinalang rebelde ang napatay ng Venezuelan Army malapit sa Venezuela-Colombia border.
Ayon sa defense ministry, maliban sa mga nasawi ay 39 pang miyembro ng isang armadong grupo ang nahuli sa operasyon.
Matatandaang ipinag-utos ni Venezuelan Defense Minister Vladimir Padrino Lopez ang paglusob sa lugar matapos mapatay doon ang dalawang miyembro ng security forces.
Tinatayang 4,000 residente na ang lumikas mula nang simulan ng Venezuelan Army ang naturang operasyon.