Pinaiimbestigahan na ni Jordan Prime Minister Bisher Al – Khasawneh ang nangyaring oxygen outage sa isang ospital na ikinasawi ng anim na health worker.
Ito’y makaraang magbitiw na ang health minister ng nasabing bansa na si Nathir Obeidat nang hingin ito ng punong ministro dahil sa insidente.
Magugunitang nangyari ang nasabin oxygen outage sa ospital sa bayan ng salt na 20 kilometro ang layo sa Amman na siyang kabisera ng bansa.
Kaugnay nito, binisita ni King Abdullah ng Jordan ang ospital para tingnan ang sitwasyon at mag-abot ng tulong sa mga apektado.